Dalawang Dekadang Giyera (Original Composition)
Ni Karol Jozef Mabazza
Hingil sa kaalaman ng marami,
May mga taong nagsialis dahil sa pangaapi
Sitwasyon sa lugar na ang tanging mithiin lamang ay kapayapaan
Mas lumalaki
Bayang nilusob, kinubkob
Napasakamay muli
Ngalan nila’y bukambibig na simula pa
Dalawang dekadang giyera
Ito na nga ba ang katapusan
Para sa mga mamamayan ng Afghanistan?
Bata, matanda, lalaki man o babae
Karahasan na kanila’y nararanasan
Pwede pa bang matakasan?
Putok ng baril
Pagsabog ng bomba at mina
Kailan natin ito matitigil?
Inosenteng buhay ang nakasalalay
Sa dalawang dekadang giyera
Ngayon, kita mo na ba ang problema?
Nasabi ko na ang nangyari
Ngunit sapat na ba ito upang matigil ang mga pang-aapi?
Yan ang totoo, ngunit nabubulag lang tayo
Ang mensahe ay nakalakip na,
Ngunit ang pag-asa ay hindi makuha kuha
Isang pahayag mula sa akin
Magkaisa tayo, ipadala ang mensahe
Dalawang dekadang giyera
Nabuhay muli sa gitna ng pandemya
Dalawang dekadang giyera
Dumagdag sa problema
Dalawang dekadang giyera
Ngalan nila’y bukambibig na
Kapit lang aking kapwa
Huwag kang bibitiw
Ang araw ay lilipas din
Nandiyan na si luna, ang magpapaliwanag ng iyong gabi
Rinig mo pa rin ba?
Itakip lang ang iyong tenga
Idilat ang iyong mga mata
Paano ka uunlad kung hindi mo matulungan ang iyong sarili
Kapit lang aking kapwa
Huwag kang bibitiw
Kapayapaan ay sa iyo rin
Kalayaan ay makakamit din
Ang tulang ito ay isang orihinal na komposisyon ni Karol Mabazza.