Tula ni Karol Jozef Z. Mabazza

Sa unang pagtapak
Aking nahagilap
Mga dahong nagsikalat
Paaralang pinangarap

Aking iniwan
Silid ng nakaraan
Biglaang tumigil
Mundong kay saya

Mga numerong marahil ay
Di na maipasa
Abutin man ay
Wala ng pag-asa

Ngunit sa muling pagtahak
Ng daang nawala
Liwanag ng tala’y
Gabay sa pagdurusa

Aral na di malimutan
Itinuro man sa kalungkutan
Muling pagmasdan
Tangi kong karunungan

Chronicles of a Tuguegaraoeño. Blog 3

Nagsulat ako ng tula tungkol sa aking unang taon bilang estudyante sa Sekundarya, mga karanasan simula noong aking unang pagpasok sa isang Unibersidad.

Ang salitang karunungan ay nangangahulugang “Wisdom” sa ingles. Maharil yan rin ang pinili kong pamagat ng tulang ito.

Maikli lamang ito at hindi masyadong ginamitan ng mga salitang pangpanitikan. Kayo nalang humusga kung dapat ko bang ituloy ang pagsulat ng Tula.

Madalas rin akong sumali sa pagsulat ng sanaysay sa eskwelahan. Mula pa noong ako’y nasa elementarya. Doon ko rin nahasa ang aking talento sa pagsulat.