Labin-limang taon ang nakakaraan, pinanganak ako sa Cagayan Valley Medical Center. Labin-limang taon na ako, Labin-limang taon nang humihinga, Labin-limang taon nang masaya kasama ang pamilya.
11:28 pm, oras na ako ay pinanganak.
Sigurado akong tama ang oras na yan dahil nakasulat rin yan sa birth certificate ko. Oo, naalala ko pa, kahit hindi ko na alam kung nasaan na ba yun.
Medyo matanda na rin ako, kaya naisip ko. Sigurado ba ako?
Tinanong ko sa sarili ko, sigurado ba ako? Nagawa ko na mga bagay na gusto ko, pero hindi parin kumpleto. Nasabi mo na ang lahat ng gusto mong ipagsigawan, pero sapat ba ito?
Sigurado ba akong, KUMPLETO na ako. Maganda sigurong ikuwento sa mga susunod na henerasyon ang mga pangyayari ngayong pandemya.
Nakagawa na ako ng Blog, nakaligtas ako sa isang taong online class at kung ano pa man ang mga nakamit ko. Pero, hinde. May mga bagay talaga na kaya ng isa pero hindi kaya ng lahat.
Kung kaya ko hindi ibig-sabihin kaya mo rin. Ako nga mag-gegrade 10 na susunod na school year pero hindi parin ako marunong magmotor.
(Edited, June 15, 2021, 4:55 pm)
Magandang Araw! Nai-edit ko na ang post na ito at asahan niyo ang mga darating pang posts na aking isusulat sa mga susunod na araw.
Marami akong nakahandang topics, ngunit hindi ko pa maisulat ngayon.
Pinag-iisipan ko na ang ilang mga bagay na mas makakatulong sa ating website.
Maganda siguro kung makaka-invest ako sa aking domain at site upang mas maikli nalang ang ating URL. Sa halip na news.blog ang extension, magiging .com o .blog na lang ito.
Inaaral ko na rin ang SEO, o ang Search Engine Optimization na makakatulong rin sa kalidad at dami ng website traffic. Kinalat ko na rin ang ating pangalan sa ilang Social Media apps at websites upang makatulong rin sa ating marketing.
Madadagdagan na rin ang ating Blog Categories. Sa siyam na kategoryang ating inilista, lalagyan ko na rin ito ng “Essay” at “Commentary” category.
Salamat sa pagbabasa!
nak nid mo iedit tlga, pandemya etc. konti lng namn.
buti inire kita agad pra lumabas ka ng june 11 kunde Dencio pangalan mo, heheh
LikeLiked by 1 person