Blog 8 – Saan ka nong?

Natuto akong magcommute mag-isa sa mga pampublikong sasakyan noong nagsimula akong mag-aral sa Unibersidad ng San Luis.

Halos tatlong taon na akong gumagamit ng tricycle upang makapasok sa paaralan at makauwi sa bahay.

Bukod sa tricycle ay mayroon rin kaming ginagamit na motor. Hinahatid at sinusundo ako sa tulong nito.

Isa sa mga paraan upang makapunta ka sa iyong destinasyon sa iba’t ibang lugar dito sa lungsod ay pagsakay sa tricycle. Mga estudyante ang madalas gumagamit sa mga ito tuwing may pasok.

Mura lamang ang bayad sa isang sakay. Bente ang nakalaan sa aking baon para sa dalawang sakay, papunta at pauwi.

Matagal nang problema ang pagsingil ng mga driver ng malaking bayad, “capacity”, “special”, “double-pay” iyan ang ilang salita na ginagamit nila.

Dati nang nagbabala si Mayor Jefferson Soriano sa mga “English-speaking” drivers.

Capacity – terminong ginagamit upang bayaran ng isang pasahero ang limang upuan sa sasakyan.

Special – madalas na bayad ay P50-P200 para sa sakay sa labas ng lungsod o malayong lugar.

Double-pay – ang iyong babayaran ay P20, pang-dalawang tao.

Kwento ng ilang pasahero sila rin naman ang nag-aalok dahil kailangan nila ng maraming espasyo. Ang ilang driver rin naman ay sinasabing hindi naman daw lahat, ganung klase.

Kung isa ka sa mga makakaranas ng ganitong gawain ano ang gagawin mo? Icapacity mo na! Este icomment na ang iyong sagot.