Isinagawa ng Basic Education School (BES) ang kauna-unahang “Pistang Pinoy” bilang pagtatapos sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, noong ika-1 ng Setyembre, Biyernes.

Nagsalu-salo sa tanghalian ang mga mag-aaral ng USL-BES sa kanilang mga silid-aralan kasama ang kani-kanilang mga gurong-tagapayo.

Layunin ng Pistang Pinoy na iparanas ang mga kultura’t tradisyon ng mga Pilipino sa mga estudyante ng BES.

Isa rin sa adhikain ng pagdiriwang ay ang mahalin at mas tangkilikin pa ng mga mag-aaral ang pagkaing pinoy.

Ang aktibidad ay parte ng selebrasyon at pagtatapos ng Filipino Month sa unibersidad na inisyatibo ng Filipino Area na pinapangunahan ni Gng. Nemia D. Laureta, Filipino/Mother Tongue Area Head.