Tuluyan na ngang binago ng pandemya ang ating mga paraan ng pamumuhay. Mula sa ating pakikitungo sa ating mga kapwa at sa ating pamamaraan ng paglilibang.
Nabago na ang lahat, pati ang ating paraan ng paglalaro.
Minsan nang natigil ang nag-iisang pinagmumulan ng ating kasiyahan, pero hindi ito hadlang para tuluyan nang mawala ang tradisyunal na isports.
Modernisado na ang ating mundo, high-tech na ang ating mga kagamitan at mas lalo pa itong pinapaganda.
Walang duda na nakayang ituloy ng mga pangunahing organisasyon sa mundo ng isports ang bagong sistema ng paglalaro – ang Bubble System.
Bilang tugon sa COVID-19, isang salita ang nagkaroon ng bagong kahulugan, na tumutukoy sa isang nakahiwalay na hanay ng mga tuluyan at lugar kung saan maaaring manirahan at makipagkumpitensya ang mga atleta na malayo sa pangkalahatang publiko.
ANG KASIKATAN NG BUBBLE. Hindi lamang sa isports ginagamit ang bubble, pati na rin sa telebisyon.
Ako mismo ay hindi na ganoon kadalas nanood ng mga teleserye mula noong nag-umpisa ang pandemya dahil karamihan sa mga pinapalabas na panood ay kung hindi replay ay recorded naman.
Nakahanap naman ng solusyon ang mga kumpanya, ang magdaos ng lock-in taping para sa mga bagong ipapalabas na serye.
Pati ang aking paboritong programa na ipinapalabas tuwing Sabado ng gabi sa GMA Network ay tumigil na matapos ang 11 na taong pag-papatawa at pagbibigay ng mga makabuluhang aral.
Ngunit naibalita naman na nagsimula na ang paggawa ng bagong season kung saan tungkol ito sa love-story nina Pepito at Elsa Manaloto na tatawaging “Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento”.
Ginagamit rin ang salita at kataga sa iba’t ibang uri ng pampalakasan tulad na lamang sa Basketbol ng NBA, PBA at FIBA, sa Hockey ng NHL, Lacrosse, Tennis at marami pang iba.
Ito lamang ang isa sa mga paraan natin upang maipagpatuloy ang mga mahahalagang kaganapan sa ating mundo ng walang takot sa ligtas na lugar na may protekstyon sa virus upang mas maging ligtas ang ating mga atleta, artista at kapwa, lalo na ang ating mga frontliners.
BASKET-BUBBLE. Ang National Basketball Association (NBA) ang pangunahing grupo na gumamit ng bubble noong nakaraang taon sa Walt Disney World, Orlando, Florida.
Tinawag itong Disney Bubble o ang Orlando Bubble ngunit hindi ito gumana.
Sa una ay nasuspinde ito dahil sa pandemya, kalaunan ay nagsimula ang playoffs noong Agosto 17 at ang NBA Finals naman noong Setyembre 30.
Nanalo ang Los Angeles Lakers laban sa Miami Heat noong Oktubre 11, 2020. Hinirang na Finals MVP si LeBron James at Season MVP naman si Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks.
Isang taon ang nakakalipas opisyal na ipinatupad at pinalawak ng NBA ang play-in tournament para sa season ng 2020-2021.
Ang lupon ng mga gobernador ng NBA ay nagkaisa na inaprubahan ang play-in tournament sa isang taong batayan.
Dinaraos parin ang Conference Finals ng NBA ngayong 2021.
Ilang basketbolista ang nahawaan na rin ng sakit na dala ng COVID-19 kaya mahalaga ang mga hakbang sa pag-iwas sa pagkahawa.
Bagamat hindi na ginagamit ng NBA ang bubble, isa na itong parte sa kasaysayan ng isports.
Lugar man para sa iba, isa itong mahalagang solusyon para sa akin-solusyon na habang-buhay kong isasama sa aking puso’t isipa.
Napakalaki na ng naidala ng sistema sa Sports Bubble sa mga buhay natin.
SUNTOK SA BUWAN. Ano ang nagyayari sa mundo ng boksing?
5 taon na akong nagsusulat ng isports at sumasaklaw sa mga ulat sa palakasan, una kong ginawa ang pagbabalita sa boksing.
Naging paborito ko na rin itong paksa dahil madalas ko itong pinapanood. Isa ang boksing sa aking mga personal na paboritong isport.
Ako nga ay isang taga-hanga kay Manny Pacquiao, ang nag-iisang 8-Division World Champion sa buong kasaysayan ng boksing.
Natatandaan ko pa ang isa sa kanyang mga laban na ginanap sa Manila-ay ang unang laro na aking iniulat noong taong 2016.
Kamakailan lamang ay idineklara ng World Boxing Association Championships Committee si Pacquiao bilang “Champion in recess” dahil sa kawalan ng aktibidad.
May paparating na laban si Pacquiao sa Agosto 21, 2021 laban kay Errol Spence Jr., ngunit, dinemanda si Pacquiao ng kanyang promoter na si Audie Attar dahil sa breach of contract. Dahil dito gusto nilang itigil ang naturang laban.
Ang Paradigm Sports Management ay nagsampa ng isang milyun-milyong dolyar na demanda.
Ito ay isinampa sa Orange County civil court.
Sinabi ng Paradigm na mayroon itong eksklusibong mga karapatan upang makipagnegosasyon sa susunod na dalawang laban ni Pacquiao at ang kanyang darating na laban kay Errol Spence Jr. ay nakamit lingid sa kaalaman ng kumpanya.
Ang Paradigm Sports Management ay pagmamay-ari ni Attar at kinabibilangan rin ni Conor McGregor.
Kilalang kaibigan at business partner ni Attar si McGregor na isang former UFC Featherweight at Lightweight double-champion.
Kung hindi lamang natalo si McGregor sa kanyang laban kay Dustin Poirier ay siya sana ang susunod na kalaban ni PacMan.
Nakadalawang laban na si Pacquiao sa Premier Boxing Champions, yan ang kanyang mga laban kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman noong 2019.
Mayroon pa siyang huling laban sa kumpanya na kabilang sa kanyang kontrata.
Si Errol Spence Jr. na nga ang opisyal na kalaban dahil si Floyd Mayweather ay nagretiro na at ang kanilang rematch ay isa na lamang malaking suntok sa buwan.
Ano pa man ang mga desisyon ni PacMan ay sana mag-ingat siya.
Kahit hindi nakakaapekto ang kanyang pagsali sa Paradigm Sports Management sa kanyang ugnayan sa PBC, isa itong problema at nangyari na nga ang aking pinaka-tatakutan.
Marahil ay ito na ang huling laban ng ating fighting senator, kaya isa itong pangyayari na hindi mo gustong makaligtaan.
Sa ngayon, masaya ako dahil aktibo parin si Pacquiao, isa na siyang Living Legend at wala na siyang dapat patunayan pa.
Ang istoryang ito ay naisulat noong July 2, 2021 ni Karol Jozef Mabazza.