Ang sanaysay na ito ay isang opisyal na entry ng Empire of Summer Wunderkinds (USL). Maaaring nabago o napalitan ang ilang bahagi upang mapaganda ang naisulat. Isa itong personal na blag. Anumang opinyon na inilahad sa artikulo ay personal at galing lamang sa may-ari.
ESSAY: Limitasyon ay hindi hadlang, pagpapakahusay sa modernisadong paraan tungo sa pagiging Louisian.
Ni Karol Jozef Mabazza
Upang umpisahan, Ang pagpapakahusay sa modernisadong paraan ay simbolo ng pagiging matatag. Ang isang mag-aaral naman partikular ang isang Louisian, ay napapahiwatig ng pagiging tala sa kalawakan.
Iyan lamang ay aking pagpapakahulugan sa isang batang aking magiging sentro at laman ng sanaysay na ito. Sa maikling salita, siya ay isang matatag na tala.
At ako iyon, malalaman mo sa ilang sandali.
Batay sanaking napapansin, marami paring mag-aaral ang may limitasyon sa mga bagay at sa eskuwelahan. Nagiging hadlang ito sa kanilang pamumuhay. Sa mga nakasama ko sa Unibersidad ng San Luis, iilan lamang sa kanila ang may kumpletong kagamitan.
Mga moderno at makabago. Ang iba naman tulad ko at wala masayado, mapa-pisikal o spiritual.
Marami ring Louisian ang nangangailangan ng tulong. Ito lamang ang mga halimbawa ng limitasyon na nararanasan ko, pero hindi ito magiging hadlang.
Ang modernisadong pamumuhay nation sa ngayon ay malaking tulong sa pag-aaral ko. Minsan ko na ring naranasan ang pagkakaroon ng limitasyon sa paraan ng pamumuhay.
Kahit telepono ay wala akong magamit sa pagtulong sa akin upang umunlad at paghusayin ang pag-aaral sa Unibersidad ng San Luis. Nang nakakuha na ako ng telepono, nagbago ang paraan ng aking pag-aaral.
Bilang Louisian, nakatulong ito sa aking pag-unlad. Ang modernisadong paraan ay kailanman hindi naging limitasyon. Nakatulong ito sa mga bagay na aking ilalahad.
Kinonekta ako sa mga taong nakapaligid sa akin, mapa-kaibigan, pamilya, kamag-aral at mga kasamahan sa paaralan. Kung limitasyon sa pag-aaral naman, nabago nito ang dating pinoproblema ko.
Hindi na ako nag-aalala sa mga dapat malaman, dahil mayroon na akong nagagamit. Noong ako ay naging Louisian, hindi ko kailan man naisip na kailangan palang mapalitan ang dating paraan ng aking pag-aaral.
Natuto akong umadapt sa paligid ko. Sa Unibersidad, iba pala ang mga paraan ng pag-aaral, isa nga ito sa aking naging hadlang. Ngunit, sa paglipas ng panahon, unti-unti ko na itong nababago.
Ang dating mag-aaral na naiwan sa pila, ay ngayong natutong bumangon sa limitasyong nagpahirap sa kanya. Isang Louisian na may pangarap para sa sarili at pamilya.