Nakita ko itong tinapay sa Facebook na alam kong natikman mo na rin. Natakam tuloy ako at nagutom bigla. Naalala ko kasi noong bata ako ay paborito ko ito. Matagal-tagal na rin kasi noong natikman ko ito.

Ano nga ba ang tinutukoy ko? – Ang tawag rito ay Ube Bar Bread. May iba’t ibang tawag dito pero yan ang pangalan na binigay at pinakita ni Google sa akin. Kaya alam kong tama naman ang pangalan na iyan.

Ano ba ang Ube Bar Bread, ito ay uri ng tinapay na nilublob sa Ube Flavoring o syrup at nababalot sa nakudkod na niyog. “Ubenyog at bayolet”, iyan ang pangalan na madalas mong maririnig na itinatawag rin dito.

Hay! Saan ba ako makakabili nito. Mapapansin ko nga na wala nang ganitong tinapay sa ilang panaderya. Mayroon namang ilan na patuloy parin ang paggawa dito, homemade kung tawagin.

May isa ring panghimagas na aking naaalala ay ang Espasol. Isa ring napakasarap na pagkaing pinoy. Mula ito sa Probinsya ng Laguna at madalas ginagawang pasalubong.

Photo by Panlasang Pinoy

Ano sa tingin mo? Mayroon ka bang suhestyon o mensahe? Ipadala lamang iyan rito: Contact Us

Gumawa ako ng bagong Site Page. Bisitahin lamang ang karolmabazza.news.blog/links. Basahin mo na rin ang aking nakaraang blog post: Linktree who? Here at WordPress they got it all for you, Karol Mabazza Blog